6th Book (see teaser)

In Your Arms Again
“Ayokong nakikita kang malungkot,” sabi ni Alec na ikinakabog ng dibdib ni Caira.
“It’s none of your business,” matigas na aniya.
Sumeryoso ang mukha ng lalaki. “You remind me of someone.”
Napalunok siya nang sunud-sunod. “Kaya gusto mo akong laging masaya dahil may naaalala ka sa akin. Iyon ba ang ibig mong sabihin?” Sinubukan niyang patatagin ang boses kahit parang salamin na nababasag iyon.
Hindi ito kumibo, but his gaze was pinned on her face. Ramdam niyang sa ikalawang pagkakataon ay nasapol siya ng mapusok na pana ni Kupido. Nagmistulang lason iyon na bumaon sa puso niya.
She sighed helplessly; here she was again…falling in love with Alec for the second time around…