5th Book (see teaser)

book5-edited-3

KAPALIT AY PAG-IBIG MO

Buo na ang desisyon ni Jeremy.  Matagal na panahon ang ginugol niya sa pagpaplano kung paano gagantihan ang taong dahilan kung bakit nawala ang kanyang pamilya.  Ngayon alam niyang malapit na ang katuparan niyon.

Nakakasiguro siyang madali niyang mapapakagat sa pain niya ang anak nitong si Charmaine.  Madali itong magtiwala kahit kanino.  Para sa babae, walang pangit at masama sa mundo, lahat ay pawang maganda at pantay-pantay.

Ngunit sa halip na ikatuwa niya, bakit ganito ang nararamdaman niya?  Parang mismong utak niya ang kumokontra sa plano niyang saktan ito.  Mas gusto pa niyang pagdudahan siya nito at komprontahin para maligtas ito sa peligrong kakaharapin-peligro na si Jeremy mismo ang magdadala kay Charm…