3rd Book (see teaser)

LISTEN TO YOUR HEART

Self-confessed man-hater si Arissa. Kaya naimbiyerna siya nang una niyang makilala si Toffee Salvatierra. Gayunpaman, hindi niya maitangging kinikilig siya sa obvious na pagpapakita nito ng interes sa kaniya. Ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi siya humahanga sa kakisigan ng binata, ngunit maagap niyang pinaalalahanan ang sarili. Hindi siya dapat magtiwala sa tipo nito na mukhang nagbibilang lamang ng babae. Ngunit mukhang hindi ito madaling sumuko. At hindi na alam ni Arissa kung hanggang kailan niya kakayaning pigilan ang sariling marahuyo ng matatamis na salita at maiinit na titig ni Toffee.