2nd Book (see teaser)
KUNG MAY PAG-IBIG PA
Aaron Samaniego was Ruth’s first love. And first heartache as well. Sa loob ng kung ilang taon, laman ng isip at puso niya ang bittersweet na alaala ng kanilang pag-iibigan. Pero dala ng kabataan, hindi niya nagawang ipaglaban ang nararamdaman niya para rito noon. Iniwan niya ito ng walang kahit anong paliwanag. Ngayong nagkita silang muli, ini-expect na ni Ruth na hindi na maibabalik pa ang dati nilang pagtitinginan. Hindi na rin siya umaasang maiintindihan ni Aaron kung bakit hindi man niya naipaalam dito na nagbunga ang pag-iibigan nila noon…
