1st Book (see teaser)
IKAW ANG TANGING PANGARAP
Sa ilang araw na pamamalagi ni Zyra sa Canada ay halos araw-araw siyang nakakatanggap ng bulaklak mula sa isang secret admirer. Sa isang tagong sulok ng puso niya ay naroroon pa rin ang pagmamahal para sa dati niyang nobyo na si David. Pero pitong taon na itong hindi nagpapakita sa kaniya. Walang paalam na iniwan siya nito at ipinagpalit sa pangarap nito. She knew it was time for her to learn to love somebody else. Mabigat man sa kalooban, nagpasiya siyang bigyan ang sarili ng pagkakataon na magmahal muli. Hindi inaasahan ni Zyra na ang inaakala niyang bagong pag-ibig ay siya rin palang dating pag-ibig na nag-iwan ng sakit at sama ng loob sa kaniya sa nakalipas na mga taon.
